Partial opening ng Cavite-Laguna Expressway isinagawa ng DPWH bago ang Undas

DPWH photo

Nagkaroon na ng partial opening ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX) araw ng Miyerkules o bago ang Undas.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), sakop ng partial opening ang Mamplasan Barrier hanggang Santa Rosa-Tagaytay Interchange.

Tinatayang 10,000 mga sasakyan ang inaasahang gagamit sa Cavite-Laguna Expressway.

Dahil dito ay magiging 10 minuto na lamang mula sa dating 45 minuto ang biyahe mula Mamplasan hanggang Sta. Rosa-Tagaytay Road.

Sinabi ni DWPH Secretary Mark Villar na marami na ang makikinabang kahit single lane basis pa lamang ang nabuksan sa expressway.

Tiniyak ng kalihim na mamadaliin naman ang pagtatapos sa natitirang 10 porsyento ng CALAX.

Bukas sa motorista ang expressway mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi mula Linggo hanggang Huwebes at alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi mula Biyernes hanggang Linggo.

Kapag nakumpleto, ang 45-kilometer CALAX ay magkakaroon ng apat na lanes at mga interchange sa walong lokasyon.

Read more...