Panelo: Pagiging drug czar pwedeng susi ni Robredo para maging pangulo

By Chona Yu October 31, 2019 - 01:30 AM

Patuloy na hinihimok ng palasyo ng malakanyang si Vice President Leni Robredo na tanggapin na ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging drug czar ng anim na buwan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maaari kasing maging susi ni Robredo sa pagka-pangulo ng bansa ang pagiging drug czar.

Kapag kasi aniya napatunayan ni Robredo na kaya nitong resolbahin at bigyang solusyon ang problema sa illegal na droga, maaari itong magustuhan ng taong bayan.

Kapag nagkataon, tiyak na malaki anya ang tsansa ni Robredo na maluklok na pangulo ng bansa.

Ayon pa kay Panelo, maaari kasing may epektibo o kakaibang pamamaraan si Robredo sa pagresolba sa problema kung kaya patuloy ang pagbatikos nito sa drug war campaign ni Pangulong Duterte.

 

TAGS: drug czar, drug war, Pangulo, Presidential spokesman Salvador Panelo, susi, Vice President Leni Robredo, drug czar, drug war, Pangulo, Presidential spokesman Salvador Panelo, susi, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.