SWS: Mga pamilyang Pinoy na nabiktima ng mga karaniwang krimen bumaba

By Len Montaño October 31, 2019 - 01:25 AM

Bumaba ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nabiktima ng tinatawag na “common crimes” sa ikatlong kwarter ng 2019.

Batay sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula September 27 hanggang 30, nasa 1.4 milyong pamilya o 5.6 percent ang nag-report na naging biktima sila ng common crimes sa nakalipas na anim na buwan.

Ito ay 1.4 points na mababa mula sa 7 percent o 1.7 milyong pamilya na naitala noong Hunyo.

Ang resulta ay ang pinakamababa ng bilang mula noong June 2018 kung saan 5.3 percent ang naitala.

Ayon sa SWS, kabilang sa mga karaniwang krimen ang pickpocket o pagnanakaw ng personal na gamit, break-in, carnapping at physical violence.

Lumabas din sa survey na 59 percent ang naniniwala na ang kanilang mga kapit-bahay ay kalimitang natatakot na papasukin sila ng mga magnanakaw.

Nasa 38 percent naman ang nagsabi na maraming tao sa kanilang komunidad ang adik sa bawal na gamot.

 

 

TAGS: bumaba, common crimes, pamilyang Pinoy, SWS, bumaba, common crimes, pamilyang Pinoy, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.