PCG nakapagtala ng higit 71,000 pasahero sa mga pantalan
Habang papalapit nang papalapit ang Undas ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.
Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-6:00 ng gabi ng Miyerkules (Oct.30), umabot sa 71,430 ang outbound passengers sa mga pantalan sa bansa.
Pinakamarami ang pasahero sa Central Visayas (Cebu, Bohol, Southern Cebu at Camotes) na umabot sa 17,009.
Sumunod ang Western Visayas (Antique, Aklan, Iloilo, Capiz at Guimaras) na ay 13,426.
Dagsa din ang mga pasahero sa Southern Tagalog (Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Romblon at Northern Quezon) na nakapagtala ng 9,025.
Tuloy-tuloy ang monitoring ng PCG para sa lahat ng pantalan sa bansa sa ilalim ng ‘Oplan Byaheng Ayos: Undas 2019’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.