Operasyon ng DFA consular offices suspendido simula tanghali ngayong araw

Suspendido na rin ang operasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) simula 12:00, Huwebes ng tanghali (October 31).

Sa abiso, sinabi ng DFA na half-day lamang ang trabaho ng lahat ng consular office sa buong bansa.

Base anila ito sa inilibas na Memorandum Circular No. 69 ng Office of the President.

Ayon sa DFA, maaaring ma-accommodate ang mga aplikante na may confirmed appointment mula 12:00 ng tanghali ng October 31 anumang araw hanggang November 29, 2019.

 

 

Read more...