‘Professor Snape’ ng “Harry Potter” films, pumanaw na

 

Mula sa Google

Pumanaw na sa edad na 69 ang British actor na si Alan Rickman.

Ayon sa pamilya mismo ni Rickman, bumigay na ang katawan ng aktor matapos itong makipag-buno sa sakit na cancer.

Si Rickman ay kilala sa kaniyang pagganap bilang ‘Professor Severus Snape’ sa mga “Harry Potter” films.

Ang karera ni Rickman ay nagsimulang umangat mula nang siya ay naging bahagi ng Britain’s Royal Shakespeare Company.

Ilan pa sa mga pelikulang ginanapan ni Rickman bukod sa Potter films ay ang “Truly, Madly, Deeply” at “Love Actually” at “Die Hard”.

 

Samantala, kapwa nagpahatid naman ng pagkabigla at pagkalungkot ang mga nakasama ni RIckman sa mga pelikula at eatro sa pagkamatay nito.

Ang mga artistang sina Emma Watson, Daniel Radcliffe na mga bida sa Harry Potter Series ang ilan lamang sa nakiramay sa pagpanaw ng aktor.

Nakiramay rin at nagpahayag ng kalungkutan si JK Rowling, ang author ng Harry Potter sa pagkamatay ni Rickman.

Read more...