Halloween costume na mukha ni Duterte kasama sa isang online shopping site

By Chona Yu October 31, 2019 - 12:37 AM

Sa halip na mapikon, namangha lamang ang palasyo ng malakanyang sa pagkakasama sa mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Halloween costume ng online shopping site na Amazon.com.

Mabibili ang maskara ni Pangulong Duterte sa halagang $32.99 o mahigit P1,700 at nakahanay sa iba pang maskarang nakatatakot tulad ng kapre, aswang at iba pa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kapag inilalako na ang isang tao ang ibig sabihin may dating na ito.

Sadya naman aniyang ginagawang panakot ni Pangulong Duterte ang kanyang sarili sa mga kriminal at adik sa bansa na patuloy na sumisira sa kinabukasan ng mga bata.

Base sa paglalarawan ng Amazon.com, excellent realistic craftsmanship ang pagkakagawa ng maskara ng pangulo.

Apat na lamang ang natitira sa kanilang stock.

Nakasaad pa sa online shopping site na gawa sa quality latex ang maskara.

Pero hindi maaring i-deliever ang maskara ni Pangulong Duterte sa Pilipinas.

 

TAGS: Amazon.com, Halloween costume, maskara, mukha, nakakatakot, online shopping site, Pangulong Rodrigo Duterte, Presidential spokesman Salvador Panelo, Amazon.com, Halloween costume, maskara, mukha, nakakatakot, online shopping site, Pangulong Rodrigo Duterte, Presidential spokesman Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.