Bongbong Marcos humiling ng kopya ng PET recount

By Angellic Jordan October 31, 2019 - 12:03 AM

File photo

Humiling si dating Senador Bongbong Marcos sa Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) na makakuha ng kopya pinalabas na recount sa tatlong pilot provinces.

Ito ay ukol sa electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.

Inilabas ng PET ang resulta ng recount sa 5, 415 polling precincts sa Camarines Sur, Negros Oriental at Iloilo noong October 15.

Maliban dito, humiling ding ang kampo ni Marcos na ipagpaliban muna ang ipinag-utos na PET na paghahain nina Marcos at Robredo ng komento ukol dito.

Matatandaang binigyan ng PET ang dalawang kampo ng 20 araw simula nang matanggap ang dokumento para maglabas ng komento sa resulta ng recount.

 

TAGS: election protest, Ferdinand Marcos Jr., pet, pilot provinces, Recount, Vice President Leni Robredo, election protest, Ferdinand Marcos Jr., pet, pilot provinces, Recount, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.