Halos P5M halaga ng shabu nasamsam sa Cebu City; 2 arestado

By Angellic Jordan October 30, 2019 - 11:26 PM

Nasamsam sa dalawang drug suspects ang halos P5 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu City, Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office-Central Visayas, isinagawa ang operasyon sa bahagi ng B. Aranas Extension, Barangay Duljo-Fatima bandang 5:30 ng hapon.

Nahuli ng mga otoridad sina Ariel Villanueva at Mico Calero.

Nakuha sa dalawa ang 40 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 730 grams.

Tinatayang nagkakahalaga ang ilegal na droga ng P4,964,000.

Maliban dito, nakuha rin kina Villanueva at Calero ang ginamit na buy-bust money, dalawang pack ng plastic sachets, dalawang itim na bag at pera na aabot sa P2,350.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Section 5 na may kinalaman sa Sections 11 at 26, Article 2 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: 2 arestado, 40 pakete, 730 grams, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, P5 milyon, PDEA, shabu, 2 arestado, 40 pakete, 730 grams, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, P5 milyon, PDEA, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.