1 arestado sa buy bust sa Siquijor

Arestado ang isang drug personality sa buy-bust operation sa Siquijor, Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office-Central Visayas, nahuli sa operasyon si Limuel Alcalde sa bahagi ng Barangay Maite sa bayan ng Sanjuan bandang 5:00 ng hapon.

Nakumpiska kay Alcalde ang mga mahigit-kumulang 20 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P3,000.

Nakuha rin sa suspek ang dalawang posporo, isang kahon ng sigarilyo at ginamit na buy-bust money.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article 2 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...