CHR kinondena ang pamamaril sa broadcaster sa Sultan Kudarat
Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pamamaril kay Radyo ni Juan station manager Benjie Caballero sa Tacurong City, Sultan Kudarat.
Limang beses binaril ng mga hindi pa nakikilalang gunman si Caballero sa harap mismo ng kaniyang bahay bandang 1:15 ng hapon.
Sa inilabas na pahayag, inihayag ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia na nakakaalarma ang tumataas na bilang ng mga pag-atake sa mga mamamahayag at iba pang kawani ng media.
Agad aniyang nagpadala ng Quick Response Team ang CHR Region 12 para imbestigasyon ang kaso.
Kasabay nito, hinikayat ng CHR ang gobyerno na umaksyon sa kaso para mabigyan ng hustisya ang pag-atake sa radio broascaster.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.