Ayon sa DepEd Memorandum No. 154, wala ng pasok ang mga kindergarten hanggang Grade 12 sa mga public schools simula alas 12:00 ng tanghali.
Ipinaubaya naman ang class suspension sa mga pribadong paaralan sa discretion ng kani-kanilang pamunuan.
Samantala, sa hiwalay na utos ni Mayor Isko Moreno, suspendido ang mga klase sa public at private schools at ang trabaho sa lokal na pamahalaan ng Maynila bukas.
Sa Executive Order No. 48 ni Moreno, nakasaad ang work suspension gayundin ang class suspension sa lahat ng antas para may sapat na panahon ng paghahanda para sa Undas.
Una nang naglabas ang Malakanyang ng EO kaugnay naman ng half-day work sa gobyerno sa October 31.