Pasok sa public schools at trabaho sa DepEd suspendido simula tanghali Oct. 31

By Len Montaño October 30, 2019 - 10:39 PM

Sinuspinde ng Department of Education (DepEd) ang klase sa pampublikong eskwelahan gayundin sa kanilang mga tanggapan simula tanghali ng Huwebes, October 31.

Ayon sa DepEd Memorandum No. 154, wala ng pasok ang mga kindergarten hanggang Grade 12 sa mga public schools simula alas 12:00 ng tanghali.

Ipinaubaya naman ang class suspension sa mga pribadong paaralan sa discretion ng kani-kanilang pamunuan.

Samantala, sa hiwalay na utos ni Mayor Isko Moreno, suspendido ang mga klase sa public at private schools at ang trabaho sa lokal na pamahalaan ng Maynila bukas.

Sa Executive Order No. 48 ni Moreno, nakasaad ang work suspension gayundin ang class suspension sa lahat ng antas para may sapat na panahon ng paghahanda para sa Undas.

Una nang naglabas ang Malakanyang ng EO kaugnay naman ng half-day work sa gobyerno sa October 31.

TAGS: class suspension, deped, Gobyerno, half day, Malakanyang, Mayor Isko Moreno, October 31, public schools, tanghali, Undas, walang pasok, work suspension, class suspension, deped, Gobyerno, half day, Malakanyang, Mayor Isko Moreno, October 31, public schools, tanghali, Undas, walang pasok, work suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.