50% discount sa funeral services sa mga mahihirap isinusulong sa Kamara

By Erwin Aguilon October 30, 2019 - 08:04 PM

INQUIRER PHOTO

Isinusulong ng Makabayan Bloc sa Kamara ang panukalang batas na magkakaloob ng 50% discount sa funeral services para sa mga mahihirap at indigenous people.

Sa House Bill 5249, iginiit ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na kasing-mahal na ng gastusin ng mga buhay ang paglilibing sa mga patay na lubog rin sa utang.

Sa katunayan, sa isang survey ng UP School of Urban and Regional Planning noong 2005 ay lumalabas na 25,000 pesos ang average na presyo ng funeral services habang 50,000 pesos ang presyo ng lote sa pampubliko at pribadong sementeryo.

Kasama na sa funeral package ang kabaong, pag-eembalsamo, pagbuburol, at paghahatid sa simbahan at sementeryo.

Paliwanag pa ni Zarate, karaniwang tumatagal lamang ng hanggang isang linggo ang lamay dahil kulang ang abuloy o donasyon na nalilikom ng pamilyang namatayan lalo na para sa kumikita ng 429 pesos kada araw.

Una nang inihain ang panukala sa nagdaang tatlong Kongreso ngunit hindi umusad at naisabatas.

TAGS: Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate., Makabayan Bloc sa Kamara, UP School of Urban and Regional Planning, Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate., Makabayan Bloc sa Kamara, UP School of Urban and Regional Planning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.