50 estudyante, isinugod sa ospital, biktima ng food poisoning
Halos limampung estudyante ang isinugod sa Ospital ng Makati matapos magreklamo ng pananakit ng tiyan dahil umano sa food poisoning.
Nabatid na ang mga biktima ay pawang mga estudyante ng Pio Del Pilar Elementary School na nasa Arnaiz Street Corner P. Binay Street, Makati.
Kumain ang mga bata ng “Super Thin Biscuits” pagkatapos ay sumakit ang kanilang mga tiyan.
Ayon sa doktor ng Osmak, nasa stable na kundisyon naman na ang mga estudyante
Ngunit patuloy pang inoobserbahan ang kalagayan ng mga ito at inaalam kung may kinalaman ang kinain nilang biskwit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.