Ilang bus drivers sumalang sa random drug test

By Angellic Jordan October 30, 2019 - 04:27 PM

DOTr photo

Nagsagawa ng ramdom drug testing ang Land Transportation Office (LTO) sa ilang drayber ng bus sa Malasakit Help Desks sa ilang terminal para sa paggunita ng Undas.

Sa larawan ng Department of Transportation (DOTr), katuwang ng LTO sa aktibidad ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Maliban dito, tuloy na rin ang iba pang aktibidad ng DOTr at LTO bilang bahagi ng kanilang “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2019.”

Inasistihan ang ilang pasahero sa pamamagitan ng pagtugon sa kanilang reklamo at kalusugan.

Namigay din ng Malasakit Help Kits sa mayroong pagkain at inumin sa mga pasahero.

Kamakailan ay ilang mga tsuper ng bus, jeepney at taxi ang nagpositibo sa isinagawang surpresang drug test ng PDEA.

TAGS: dotr, drug test, lto, PDEA, dotr, drug test, lto, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.