Seguridad sa public transport nagsimula nang maghigpit kaugnay sa Undas
Itinaas ng Office for Transportation Security (OTS) ang Security Condition Level 2 (SECCO 2) para sa nalalapit na paggunita ng Undas ngayong 2019.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng OTS na ito ay kasunod ng ibinabang direktiba ni Transportation Secretary Arthur Tugade.
Inaasahan na kasi ang pagdagsa ng mga pasahero na bibiyahe pauwi ng mga lalawigan.
Inabisuhan ng OTS ang mga pasahero na posibleng mabago ang security plan.
Posibleng ipadaan ang mga pasahero sa full body scanners at Explosives Trace Detection.
Asahan na rin anila ang mga itatalagang checkpoints.
Pinayuhan din ng ahensya ang mga pasahero na personal na ayusin ang kanilang mga bagahe para matiyak na walang ipinagbabawal na gamit sa loob ng kanilang bagahe.
Maaaring bisitahin ang kanilang website at Facebook page para makita ang mga pwede at hindi pwedeng dalhin sa pagbiyahe.
Kasabay nito, nanawagan si OTS Administrator Undersecretary Raul Del Rosario ng kooperasyon sa publiko para masiguro ang kanilang seguridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.