National Building Code nais nang repasuhin ng Kamara

Kasunod ng sunud-sunod na malalakas na lindol na tumama sa Mindanao naglatag ang Kamara ng mga kailangang pagbabago sa National Building Code para matiyak ang katatagan ng mga gusali sa bansa.

Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, dapat paghiwalayin ang ahensya ng gobyerno na nagpapatupad ng building code at sa sumusuri sa mga istruktura kung sumusunod ba ito sa patakaran.

Ang tinutukoy ni Cayetano ay ang nagbibigay ng permit o tumitingin sa plano, at ang nagmomonitor o nag-iinspeksyon naman kung ang itinatayo o itinayong gusali ay compliant sa building code.

Dapat na rin anyang magkaroon ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan na tututok sa urban planning ng bawat lungsod at munisipalidad.

Mayroong mga nakabinbing panukala sa Kamara para amyendahan ang National Building Code habang prayoridad ring maisabatas ang paglikha ng Department of Disaster Resilience.

Read more...