Pagkakasama ng Pilipinas sa listahan ng ‘most dangerous countries for Journalists’ expected na – Malakanyang
Hindi na nagulat ang Palasyo ng Malakanyang sa pagkakasama sa Pilipinas sa mga bansa na pinaka delikadong tirahan ng mga mamamahayag.
Ayon kay Presidential Task Force on Media Security Executive Director Joel Egco ito ay dahil sa hindi pa nahahatulan hanggang ngayon ang pamilya Ampatuan na mastermind sa Maguindanao massacre case kung saan limampu’t walong journalists at mga sibilyan ang pinatay noong 2009.
Base sa New York-based Committee to Protect Journalists Global Impunity Index ngayong 2019, panglima ang Pilipinas sa mga tinaguriang most dangerous countries para sa media.
Ayon kay Egco, mananatiling pasok sa listahan ang Pilipinas hangga’t hindi nareresolba ang Maguindanao massacre case.
Pero ayon kay Egco, maaaring mabago ang ihip ng hangin pagsapit sa taong 2020 dahil maaaring maglabas na ng hatol ang korte sa mga salarin.
Nangunguna sa listahan ang Somalia habang nasa ikalawang pwesto ang Syria na sinundan ng Iraq at Mexico.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.