Trabaho sa mga government office suspendido simula tanghali bukas, October 31.

Suspendido ang trabaho bukas sa gobyerno, October 31, 2019 simula alas dose ng tanghali.

Base sa memorandum circular 69 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, binibigyan ng pagkakataon ng palasyo ang mga manggagawa na makapag handa sa paggunita sa All Saint’s Day sa November 1.

Marami sa mga Filipino ang uuwi sa kani-kanilang probinsya para sa Undas.

Gayunman, tuloy ang trabaho ng mga nasa tanggapan na may kinalaman sa pagbibigay ng basic at health services, preparedness/response team para sa kalamidad o iba pang serbisyo na nangangailangan sa operasyon.

Ipinauubaya naman ng palasyo sa mga heads ng mga pribadong eskwelahan at kompanya ang pagsuspendi sa eskwela o trabaho.

Read more...