Panibagong insidente ng pag-atake ng taxi driver sa pasahero, inilapit sa LTFRB
Tatlumpung araw na preventive suspension ang ipinataw ng Land Transportation and Regulatory Board laban sa prangkisa ng operator ng taxi matapos na atakehin ng isang driver nito ang isang pasahero gamit ang isang japanese samurai.
Naghatap sa tanggapan ng LTFRB ang biktima na si Bayani Arradaza at ang taxi driver na si Manuel Publico.
Sumakay umano sa taxi si Arradaza sa UP Village kasama ang sampung taong gulang na anak na lalaki papunta sa Project 4.
Pero nagtalo ang driver at pasahero kaya nagpababa sila sa Columbia st. sa Cubao. sa puntong ito ay naglabas si publico ng katana at inundayan ng samurai si arradaza saka sumakay ng taxi at umalis.
Ipinakita ng pasahero ang mga sugat nito kay lftrb board member ariel inton na nagsabing irerekomenda nila sa lto ang kanselasyon ng driver’s license ni Publico.
Naalarma si Inton sa sunod-sunod na insidente ng pag-atake at pambabastos ng taxi drivers sa kanilang mga pasahero.
Hindi na lang anya sa sobrang singil sa pamasahe, pagkontrata o pamimili ng lugar ng destinasyon ang natatanggap nilang reklamo kundi pati pananakit sa mga pasahero.
Inireklamo na ng pasahero ang driver ng attempted homicide sa cubao police station.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.