Pulisya naniniwalang sindikato ang pumaslang kay Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro.

By Ricky Brozas October 30, 2019 - 09:59 AM

Naniniwala ang mga otoridad na hindi government sanctioned ang pagkakapaslang kay Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro.

Ayon sa pulisya, maaring criminal syndicates ang pumatay sa alkalde.

Sinabi ni Cebu City Police Office Director Col. Gemma Vinluan, mismong si Navarro at ang kanyang mga kaanak ay may alam sa grupo na nagpapadala ng death threats na mula mismo sa Misamis Occidental.

Malakas ang paniniwala ng mga otoridad na criminal gang ang nasa likod ng pagpaslang sa alkalde.

Si Navarro ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga armadong lalaki matapos harangin ang convoy nito at bumaba sa police mobil na nag-iskort sa kanya.

Ayon kay Vinluan, kilala nila ang grupo na unang binanggit ni Navarro noong nabubuhay pa ito, subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya ay hindi niya muna ito binaggit sa publiko.

TAGS: Cebu City Police Office Director Col. Gemma Vinluan, Clarin, misamis occidental, Misamis Occidental Mayor David Navarro, Cebu City Police Office Director Col. Gemma Vinluan, Clarin, misamis occidental, Misamis Occidental Mayor David Navarro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.