Hirit na gawing tatlong taong pagiging drug czar ni Robredo wishful thinking ayon sa Malakanyang
Kahibangan na ang hirit ni Senador Kiko Pangilinan na gawing tatlong taon sa halip na anim na buwan ang pagiging drug czar ni Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wishful thinking na ang hirit ni Pangilinan.
Malabong mangyari aniya na palawigin pa ng tatlong taon ang ibibigay na kapangyarihan ng pangulo kay Robredo.
“Iyon ang wishful thinking ng mga oposisyon na hindi mangyayari. Eh ‘yon ang kanilang bangungot.”, ayon kay Panelo.
Una rito, sinabi ni Panelo na dapat nang samantalahin ni Robredo ang alok ng pangulo para maipakita niya sa taong bayan ang kanyang kagitingan para labanan ang ilegal na droga.
Kapag kasi aniya hindi tinanggap ni Robredo ang alok, patunay ito na hindi palpak ang anti-drug war campaign ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.