Undas Lakbay Alalay ng DPWH ikakasa bukas

Ipapatupad simula bukas ang bersyon ng Lakbay Alalay program ng DPWH para sa paggunita ng Undas ngayon taon.

Sa utos ni Public Works Sec. Mark Villar sa kanyang mga regional at district, pinabubuo niya ang mga ito ng grupo na tututok sa kondisyon ng mga national roads lalo na ang mga patungo sa mga libingan.

Ang mga ito ay inatasan din na magbigay ng ‘roadside assistance’ sa mga motorista na makakaranas ng aberya sa kanilang pagbiyahe.

Bukod dito, handa din ang DPWH teams na magbigay ng emergency medical assistance at maging pagbibigay ng direksyon sa mga motorista na hindi kabisado ang lugar.

Nauna nang nagsagawa ng maintenance works ang kagawaran sa mga lansangan at naglagay din sila ng directional signs.

Nakikipag ugnayan din ang DPWH sa LTO, PNP at iba pang kinauukulang ahensiya para sa ligtas at payapang paggunita ng Undas ngayon taon.

Read more...