Pag apruba sa panukalang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience ipinamamadali na sa Kamara
Pinamamadali ni Agusan Del Norte Rep. Lawrence Fortun ang Kamara sa pag apruba sa panukala na pagtatatag ng Department of Disaster Resilience.
Ayon kay Fortun, ngayong sunod-sunod ang mga nararanasang malalakas na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao, mas lalong kailangan ang pagkakaroon ng isang kagawaran na agad tutugon sa pinsalang dulot ng kalamidad.
Hindi tulad sa bagyo na may panahon pa para mapaghandaan, ang lindol aniya ay gulatan kaya dapat laging may nakahanda na responde at tulong mula sa pamahalaan.
Dahil sa magkakasunod na lindol sa Mindanao ay napapanahon na aniya para magpasa ng departamento na tututok sa disaster resilience, mitigation, rescue at rehabilitation program.
Umapela si Fortun sa Kamara na agad ipasa ang DDR sa muling pagbabalik sesyon salig na rin sa House Rules ng Section 48.
Noong 17th Congress ay naipasa sa 3rd at final reading ang panukala ngunit hindi na ito umusad sa Senado dahil sa kawalan ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.