Lakbay Alalay program sa Undas ng DPWH aarangkada na

By Ricky Brozas October 30, 2019 - 08:09 AM

Kasado na ang lakbay alalay program ng Department of Public Works and Highways para sa darating na undas.

Magsisimula ang lakbay alalay ng ahensya bukas, araw ng huwebes, october 31, 2019 na tatagal naman hanggang lunes, november 4.

Inatasan ni Sec. Mark Villar, ang lahat ng regional at district engineering offices ng DPWH sa bansa na magbuo ng mga teams na buong araw na tututok sa mga national highways na patungo sa mga simbahan at sementeryo.

Isa sa mga tututukan sa ‘lakbay-alalay’ program ay ang pagbibigay ayuda sa mga motorista, partikular dito ang mabilis na responde sa mga nasiraang sasakyan.

Kasama din ang pagbibigay ng agarang tulong tulad ng first aid kapag may emergency situation at pag-asiste sa mga motorista na hindi kabisado ang daan patungo sa kanilang pupuntahan

Bago pa man sumapit ang undas ay nagpakalat na ang DPWH ng kanilang mga tauhan at maintenance team para matiyak na walang magiging problema sa mga national road at naglagay na din sila ng mga directional signs.

Nakikipag-ugnayan din ang DPWH sa Land Transportation Office, Philippine National Police at Local Government Units para sa anumang tulong na kanilang kakailanganin sa araw ng undas.

TAGS: Department of Public Works and Highways, DPWH, Land Transportation Office, Philippine National Police at Local Government Units, Sec. Mark Villar, Department of Public Works and Highways, DPWH, Land Transportation Office, Philippine National Police at Local Government Units, Sec. Mark Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.