NCRPO: Walang security threat sa Metro Manila ngayong Undas

By Rhommel Balasbas October 30, 2019 - 04:39 AM

Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ligtas na magugunita ang Undas sa Metro Manila.

Sa press briefing araw ng Martes, sinabi ni NCRPO chief Brig. Gen. Debold Sinas na walang natatanggap na security threat sa Metro Manila.

Gayunman, pinalakas na umano ang intelligence-gathering para mapigilan ang mga pag-atake sa 118 sementeryo at columbarium sa rehiyon.

Nagpakalat ang NCRPO ng 4,233 pulis sa mga sementeryo kabilang ang mga tatao sa Police Assistance Desks (PADs) na tutulong sa commuters at pipigil sa mga mapanamantalang kriminal.

Naka-standby din ang Special Weapons and Tactics (SWAT) at Regional Mobile Force Battalion.

Mayroon ding force multipliers na kabibilangan ng ‘Bantay-bayan’ volunteers, barangay peacekeeping action teams, private security guards at maging non-governmental organizations.

Ang Manila Police District (MPD) ang magbabantay sa seguridad ng North Cemetery, ang pinakamalaking sementeryo sa Metro Manila.

Ayon kay Sinas ngayong Miyerkules ay magdedeklara siya ng full alert at paiigtingin ang checkpoints sa mga kalsada patungo sa mga sementeryo.

Nasa limang milyong katao ang inaasahang tutungo sa mga sementeryo sa Metro Manila ngayong All Saints’ Day at All Souls’ Day ayon sa NCRPO.

 

TAGS: full alert, Metro Manila, NCRPO, Police Assistance Desks, Regional Mobile Force Battalion, security threat, sementeryo, SWAT, Undas, full alert, Metro Manila, NCRPO, Police Assistance Desks, Regional Mobile Force Battalion, security threat, sementeryo, SWAT, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.