3 Medical staff ng Ospital ng Sampaloc tinanggal sa pwesto

By Len Montaño October 30, 2019 - 04:05 AM

Sa gitna ng imbestigasyon ay tinanggal ang doktor, nurse, at driver ng ambulansya ng Ospital ng Sampaloc sa Maynila na may kinalaman sa pagkamatay ng babaeng manganganak na pero pinalipat pa ng ibang ospital.

Pumunta ang mga kaanak ni Myra Morga sa Manila City Hall araw ng Martes para ipanawagan na papanagutin din ang ospital at hindi lamang tanggalin ang tatlong medical staff.

Sa pagharap ng pamilya sa legal department na nag-iimbestiga sa kaso, sinabi nila na alas 8:00 ng umaga noong Lunes nang dumating sa ospital si Morga pero alas 12:00 ng tanghali na ito nailipat sa Sta. Ana Hospital.

Pero imbes na idiretso ay pinababa si Morga ng ambulansya kaya napilitan itong maglakad ng isang kanto pa ang layo sa ospital kahit dinudugo na.

Alas 10:00 ng gabi pa nasalinan ng dugo si Morga at hatinggabi ay ipinanganak ang patay na nitong sanggol.

Kanya kanya naman ng katwiran ang dalawang ospital.

Ayon sa Ospital ng Sampaloc, stable ang kundisyon ni Morga noong nasa emergency room ito pero kailangan itong ilipat sa ibang pagamutan para mas matugunan ang kanyang kundisyon.

Sinabi naman ng Sta. Ana Hospital na naghanap pa sila ng dugo kaya natagalan bago nasalinan si Morga.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na may kapabayaan ang Ospital ng Sampaloc dahil sa naging proseso ng paglipat kay Morga sa ibang ospital kahit dinudugo na ito.

 

TAGS: Ambulansya, dinudugo, doktor, manganganak, medical staff, Myra Morga, Nurse, Ospital ng Sampaloc, pinababa, Sta. Ana Hospital, tinanggal, Ambulansya, dinudugo, doktor, manganganak, medical staff, Myra Morga, Nurse, Ospital ng Sampaloc, pinababa, Sta. Ana Hospital, tinanggal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.