Hero dog na bahagi ng operasyon vs ISIS leader kinilala ni President Trump

By Rhommel Balasbas October 30, 2019 - 03:51 AM

Umaani ngayon ng papuri sa buong mundo ang hero dog na bahagi ng operasyon para mahuli at mapatay ang ISIS leader na si Abu Bakr al-Baghdadi.

Ibinahagi ni US President Donald Trump araw ng Martes ang larawan ng aso sa kanyang Twitter at kinilala ang papel nito sa operasyon.

‘Great job’ anya ang ginawa ng aso na hindi niya pinangalanan.

Higit 526,000 na ang likes ng larawan ng hero dog na bahagi ng operasyon.

Pinakawalan ang aso sa tunnel na kinaroroonan ni Baghdadi habang suot-suot nito ang isang suicide vest.

Pinasabog ni Baghdadi ang sarili na naging dahilan ng kanyang agarawang pagkasawi at tatlong bata.

Sugatan ang hero dog na bahagi ng Army Delta Force na nagsagawa ng operasyon at ngayon ay nagpapagaling na.

Hindi ito ang unang beses na gumamit ang armed forces ng aso para backup operations laban sa mga terorista.

Noong 2011 naging bahagi ang isang hero dog na si ‘Cairo’ sa raid na ikinasawi ni Osama bin Laden.

 

TAGS: Abu Bakr al-Baghdadi, backup operations, great job, hero, ISIS, military dog, suicide vest, US President Donald Trump, Abu Bakr al-Baghdadi, backup operations, great job, hero, ISIS, military dog, suicide vest, US President Donald Trump

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.