Vertical gardening gagawin sa buong Maynila
Inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagsasagawa ng vertical gardening sa buong Lungsod ng Maynila.
Martes ng gabi ay ininspeksyon ng alkalde ang pinagagandang Jones Bridge kung saan una ring isinasagawa ng vertical gardening.
Ayon sa alkalde layon ng hakbang na mas maging ‘ecologically sound’ ang Maynila at magkaroon din ng panlaban sa air polusyon.
Sinabi ni Moreno na marami pang gagawing open green spaces para sa pagtatayo ng mga vertical, horizontal at maging roof gardens.
Samantala, excited na rin ang alkalde sa pagtatapos ng pagpapaganda sa Jones Bridge na bukod sa bagong lampposts ay ibabalik na rin ang mga estastwa ng La Madre Filipina.
Ang La Madre Filipina ay sikat na monumento sa Jones Bridge.
Gayunman, nabomba ang tulay sa kasagsagan ng Battle of Manila noong panahon ng kolonyalisasyon ng Hapon.
Ayon kay Moreno, may apat na La Madre Filipina sa Jones Bridge at tatlo na ngayon ang narekober ng pamahalaang lokal.
Umaasa ang alkalde na sa ikalawang linggo ng Nobyembre ay tapos na ang rehabilitasyon sa Jones Bridge.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.