WATCH: Mayor Isko naging ‘tour guide’ ni Alex Gonzaga

By Len Montaño October 30, 2019 - 03:18 AM

Screengrab of Alex Gonzaga video

Mismong si Mayor Isko Moreno ang tila naging “tour guide” ng aktres na si Alex Gonzaga sa pag-iikot sa Maynila.

Sa kanyang YouTube vlog ay mapapanood ang Manila Tour ni Alex kasama ang alkalde kung saan napuntahan nila ang ilang atraksyon sa lungsod habang pinag-uusapan ang iba’t ibang isyu.

Sa kanilang kwentuhan ay naranasan ng dalaga ang galing sa pagpapatawa ni Mayor Isko lalo na nang magbaligtad ito ng mga salita at gumamit ng mga salitang kalye.

Dahil masipag si Yorme sa pag-iikot at pagpapanatili ng kalinisan sa syudad ay biniro ito ni Alex na dapat simulan ang clearing sa likuran ng kotse ni Moreno dahil puno ito ng mga gamit.

Pati ang sweldo ni Mayor Isko na mahigit P122,000 ay binusisi ni Alex.

Ilan sa mga pinuntahan ng dalawa ang Mehan Garden pagkatapos ay nagsalo sila sa tinatawag na pagpag o tirang pagkain na kanilang kinain sa naturang parke.

TAGS: Alex Gonzaga, Mayor Isko Moreno, Mehan Garden, pagpag, salitang kalye, tour, vlog, Yorme, Youtube, Alex Gonzaga, Mayor Isko Moreno, Mehan Garden, pagpag, salitang kalye, tour, vlog, Yorme, Youtube

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.