Aftershocks patuloy na naitatala sa Tulunan, Cotabato

Patuloy na naitalala ang aftershocks kasunod ng magnitude 6.6 na lindol sa Tulunan, Cotabato kahapon.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 4.1 na aftershock dakong 1:47 Miyerkules ng madaling araw.

Naramdaman ang sumusunod na intensities:

Intensity IV – Kidapawan City

Instrumental Intensities:

Intensity III – Kidapawan City; Malungon, Sarangani; Tupi, South Cotabato

Intensity I – General Santos City; Alabel, Sarangani

Tectonic ang origin ng pinakahuling pagyanig na may lalim na 20 kilometro.

Wala namang inaasahang matinding pinsala bunsod ng aftershock.

 

Read more...