Metro Manila, ‘worst place to drive in’ ayon sa Waze

By Rhommel Balasbas October 30, 2019 - 02:32 AM

Record-breaking na naman ang Metro Manila pagdating sa traffic.

Ito ay matapos lumabas sa pag-aaral ng Waze na ang Metro Manila ang ‘worst place for drivers’.

Ayon sa datos ng traffic navigation app nitong September 2019, inaabot ang isang motorista ng 4.9 minutes sa isang kilometrong biyahe sa Metro Manila.

Mas malala ang sitwasyon ng trapiko ngayon sa Metro Manila kumpara noong Abril na 3.8 minutes lang kada kilometro ang nakakain sa biyahe.

Ito na ang ikalawang taon na nakuha ng Metro Manila ang titulong ‘world’s worst city to drive in’ ayon kay Waze Philippines’ country manager Sarah Rodriguez.

Tinalo pa ng Metro Manila ang Bogota, Colombia at Jakarta, Indonesia na kapwa may halos apat na minuto para sa isang kilometrong biyahe.

Samantala dahil papalapit na ang Kapaskuhan, sinabi ni Rodriguez na inaasahang lalala pa ang trapiko sa Metro Manila.

“This is the time of the year when Filipinos travel the most and also spend the most time per drive,” ani Rodriguez.

Magugunitang batay sa isang ulat ng Agence France-Presse noong Setyembre, namamatay na ang ilang mga pasyente sa loob ng ambulansya dahil sa malalang trapiko sa Metro Manila.

 

 

 

TAGS: Metro Manila, record breaking, traffic, Waze, world’s worst city to drive in, worst place for drivers, Metro Manila, record breaking, traffic, Waze, world’s worst city to drive in, worst place for drivers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.