Malacañang: Quake-affected areas sa Mindanao posibleng bisitahin ni Duterte
Posibleng bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lugar na niyanig ng magnitude 6.6 na lindol araw ng Martes.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na batay sa personalidad ng pangulo, hindi malabong bumisita ito sa quake-hit areas.
“I think that should be on the agenda of the President. Knowing him, he’s like that,” ani Panelo.
Iginiit pa ng kalihim na nag-aalala ang pangulo sa panibagong lindol at nag-utos na ito sa mga ahensya ng gobyerno na tumulong sa mga naapektuhan.
“The President is concerned about what happened in the latest earthquake in Mindanao and he has directed all agencies to provide assistance to victims of the earthquake,” dagdag ni Panelo.
Posible rin ayon kay Panelo na maganap ang pagbisita ni Duterte sa mga naapektuhan ng lindol bago ito tumungo ng Bangkok, Thailand para sa 35th ASEAN Summit and Related Summits.
Samantala, tiniyak ni Panelo na kontrolado ng kaukulang mga ahensya ng gobyerno ang sitwasyon ngayon sa Mindanao.
“Palagay ko (I think), everything is in place e. Yung (The) quick reaction agencies, they’re in place. In fact, bilib nga si Presidente pag may ganyan, pag nagkakaroon ng situation meeting napupuri niya e,” giit ng kalihim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.