Nag-ikot ang mga kinatawan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa bus terminal sa Caloocan City bago ang Undas at nadiskubre nila ang sobrang mahal ng presyo ng inuming tubig.
Sinita ng ahensya ng anim na tindahan ng mga bottled water dahil sa mataas na presyo.
Ayon sa DTI, halos doble ang patong sa presyo ng tubig sa mga tindahan sa terminal kung saan dagsa na ang mga pasahero na uuwi sa mga probinsya.
Bukod sa mataas na presyo ay walang price tag ang anim na tindahan kaya binigyan ng DTI ng notice of violation.
Dahil dito ay pinayuhan ng ahensya ang mga pasahero na sa supermarket na lamang bumili ng tubig at mga pagkain para makamura.
MOST READ
LATEST STORIES