Ayon kay Dr Peter Paul Galvez, tagapagsalita ng Department of National Defense, muling iginiit ng US ang kanilang ‘ironclad commitment’ o matibay na paninindigan para idepensa ang Pilipinas pabor sa ipinaglalaban nitong joint patrol sa South China Sea
Sinabi pa ni Galvez na naninindigan ang US na hindi nito papayagan ang bansang China na makontrol ang South China Sea at magsasagawa ng mga hakbang para masigurado na mananatili ang freedom of navigation sa lugar.
Iginiit pa rin umano ng US na magpapatuloy ang paglipad ng kanilang mga eruplano sa himpapawid at ang paglalayag ng kanilang mga barko sa mga karagatan kabilang ang kanilang naval, sub-sea, air at special forces sa hindi ipinagbabawal at pinapayagan ng international law.