M4.5 aftershock naitala sa Tulunan, Cotabato

Naitala ang magnitude 4.5 aftershock sa Cotabato alas 11:13 Martes ng gabi kasunod ng magnitude 6.6 na lindol sa lugar Martes ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng pinakahuling lindol ay sa bayan ng Tulunan.

Naramdaman ang Intensity III at Instrumental Intensity II sa Kidapawan City.

Tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 28 kilometro.

Wala namang inaasahang matinding pinsala kasunod ng aftershock.

 

Read more...