3 bloke ng marijuana nasamsam sa Quezon

By Angellic Jordan October 30, 2019 - 12:09 AM

Nasamsam ang tatlong bloke ng marijuana sa ikinasang buy-bust operation sa Catanauan, Quezon araw ng Martes.

Batay sa ulat ng Catanauan police, naaresto sa operasyon ang suspek na si Jan Clarisse Marfi matapos positibong makabili ng marijuana ang police poseur buyer sa Barangay 9 dakong alas dos y medya ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya si Marfi ay bagong distributor ng ilegal na droga sa lugar.

Tinatayang may bigat ang kontrabando ng isang kilo at nagkakahalaga ng P10,000.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang pinagkukunan ng marijuana ng suspek.

TAGS: 1 kilo, 3 bloke, distributor, kontrabando, Marijuana, Quezon, 1 kilo, 3 bloke, distributor, kontrabando, Marijuana, Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.