Tindero patay sa pamamaril sa loob ng mall sa Caloocan

By Rhommel Balasbas October 29, 2019 - 11:58 PM

Nasawi sa pamamaril ang isang tindero sa loob ng isang mall sa North Caloocan, bandang alas-7:00 Martes ng gabi.

Sa impormasyon mula kay Caloocan City Police chief Noel Flores, nakilala ang biktima na si Ronnie Litaban, 35 anyos.

Naganap ang pamamaril sa loob mismo ng Zabarte Mall.

Itinuturo ang isang James Fajardo na suspek sa pamamaril kay Litaban.

Agad namang tumakas ang suspek matapos mamaril.

Inaalam na ng Caloocan Police ang motibo sa krimen at patuloy na tinutugis ang suspek.

 

TAGS: caloocan, caloocan police, patay sa pamamaril, tindero, Zabarte Mall, caloocan, caloocan police, patay sa pamamaril, tindero, Zabarte Mall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.