DOH: Higit 95% ng mga batang Pinoy nabakunahan na kontra polio
Mahigit siyamnapu’t limang porsyento ng mga batang Filipino ang nabigyan na ng bakuna kontra sa sakit na polio, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa isang press conference, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa kabuuang 95.4 percent ang sakop ng kampaniyang “Sabayang Patak Kontra Polio” sa buong bansa.
Sa National Capital Region (NCR), umabot aniya sa 96 percent ng target ng kagawaran ang nabigyan ng bakuna habang sa Mindanao naman ay 93.6 percent.
Kabilang sa polio immunization program ang mga batang may edad limang taon pababa.
Sakop ng unang round ng programa ang Metro Manila at ilang parte ng Mindanao partikular sa Lanao del Sur, Marawi City, Davao del Sur at Davao City.
Sisimulan ang ikalawang round ng polio vaccination program sa November 25, 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.