Aquino veto sa SSS pension hike bill, may epekto sa mga kandidato ng LP sa halalan!
Nagbabala ang isang kongrsista na ang desisyon ni Pangulong Noynoy Aquino na i-veto ang SSS pension hike bill ay makaka-apekto sa mga kandidato ng admnistrasyon sa May 2016 Elections.
Ayon kay Isabela Rep. Rodolfo Albano, tiyak na maraming dismayado sa aksyon ng Presidente na i-veto ang panukala na nagsusulong ng dalawang libong pisong dagdag sa buwanang pensyon ng mga miyembro ng Social Security System o SSS.
Dahil dito, sinabi ni Albano na malaki ang posibilidad na may ‘repurcussions’ sa popularidad ng mga manok ni Pnoy ang ginawa nitong pag-veto sa naturang panukalang batas.
Si dating DILG Secretary Mar Roxas ang standard bearer ng Liberal Party at inendorso ni Pangulong Aquino, subalit bigong makapanguna sa mga nagdaang Presidential surveys.
Gayunman, sinabi ni Albano na maaaring may mga sariling rason si Pnoy kung bakit niya na-veto ang SSS pension increase bill, na isa sanang “pro-poor, pro-people piece of legislation.”
Ani pa Albano, mayroon umanong mga bagay na alam ng pangulo na hindi alam ng mga tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.