LPA sa Palawan naging tropical depression habang palabas ng bansa
Naging ganap na tropical depression ang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Palawan habang palabas at palayo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) Martes ng gabi.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang tropical depression 505 kilometer west northwest ng Puerto Princesa City.
Pero kahit nakalabas na ng PAR, patuloy na nakakaapekto ang sama ng panahon sa ilang bahagi ng Luzon.
Patuloy itong magpapaulan sa Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region at Metro Manila.
Asahan ang maulap na panahon sa Mimaropa sa araw ng Miyerkules habang magiging maganda ang panahon sa natitirang bahagi ng Luzon liban sa localized thunderstorms sa hapon o gabi.
Maganda rin ang panahon sa Visayas at Mindanao na may kalat-kalat na pag-ulan sa hapon o gabi rin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.