Robredo, pinatatahimik ng Malakanyang kung ayaw maging drug czar

By Chona Yu October 29, 2019 - 09:01 PM

Manahimik ka na lang.

Ito ang naging payo ng Palasyo ng Malakanyang kay Vice President Leni Robredo kung hindi tatanggapin ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging drug czar sa loob ng anim na buwan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas maigi kung ititigil na lamang ni Robredo ang pangbabatikos kung hindi naman kakasa sa hamon na pamunuan ang law enforcement para sa anti drug war.

Ayon kay Panelo, kung magpapasya man si Robredo na tanggapin ang hamon ng pangulo, makaaasa ito ng buong suporta mula sa iba’t ibang law enforcement agencies.

Sinabi pa ni Panelo na maaari namang bumuo si Pangulong Duterte ng isang komisyon o task force para kay Robredo.

TAGS: Palasyo ng Malakanyang, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo, Palasyo ng Malakanyang, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.