Bilang ng patay sa lindol sa Mindanao umakyat na sa lima

By Den Macaranas October 29, 2019 - 05:07 PM

Courtesy of Hameer Meer Ulama

Umakyat na sa lima ang naitalang patay s amalakas na lindol na naramdaman sa malaking bahagi ng Mindanao kaninang umaga.

Sa ulat ng national Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga namatay ay ang isang estudyante na tinamaan ng debris sa ulo habang papalabas sa isang gusali sa Magsaysay, Davao del Sur at isang lalaki na nabagsakan ng debris sa kanilang bahay sa Koronadal City, South Cotabato.

Patay ang isang mag-ama sa Arakan, Cotabato samantalang isang 23-anyos na buntis naman ang namatay sa bayan ng Tulunan.

Naramdaman ang pagyanig 9:04 ng umaga kanina kung saan naitala ito sa magnitude 6.6 at ang epicenter ay sa bayan ng Tulunan sa North Cotabato.

Sinabi rin ng NDRRMC na maraming mga bahay ang napinsala sa pagyanig bukod pa sa mga nasirang ospital, government buildings at ilang mga simbahan sa magkakahiwalay na mga lugar.

Samantala, iniulat naman ng Department of Public Works and Highways na passable ang lahat ng mga major roads at tulay sa mga lugar na nilindol sa Mindanao.

Nagpapatuloy ang mga local officials sa pagpapadala ng kanilang mga assessment reports sa NDRRMC.

TAGS: Cotabato, Davao, earthquake, Mindanao, Tulunan, Cotabato, Davao, earthquake, Mindanao, Tulunan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.