Mahigit 500 immigration officers itinalaga sa NAIA parang magbantay sa seguridad ngayong Undas

By Ricky Brozas October 29, 2019 - 01:13 PM

Ipinakalat na ng Bureau of Immigration (BI) ang mahigit limang daang immigration officers sa NAIA Terminals 1, 2 at 3 kaugnay ng pagdagsa ng mga pasaherong lumalabas at pumapasok ng bansa ngayong Undas

Ayon sa BI, karaniwan kasing tumataas ng anim hanggang sampung porsyento ang mga pasahero sa paliparan kapag panahon ng Undas

Mahigpit ding pina-alalahanan ang immigration officers na bawal silang ma-late at mag-leave sa trabaho ngayong peak season

Inaasahan din ng BI na sa susunod na linggo ay dadagsa sa NAIA terminals ang mahigit kalahating milyong mga pasahero

Umapela naman ng pag-unawa ang BI sa mga pasahero dahil sa mahabang pila sa immigration counters dahil sa malaking volume ng mga biyahero.

TAGS: immigration officers, NAIA, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, Undas, immigration officers, NAIA, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.