Panukalang BFP modernization dapat gawing prayoridad ng Kamara

By Erwin Aguilon October 29, 2019 - 01:11 PM

Nanawagan si Tingog Rep. Yedda Marie Romualdez kay House Speaker Alan Peter Cayetano na gawing iprayoridad ang pagpasa sa panukalang modernisasyon sa Bureau of Fire Protection.

Ayon kay Romualdez, kailangan ang pag-apruba sa modernisasyon sa BFP para mabigyan na ng dagdag na fire trucks, matayuan ng fire stations at mabigyan ng makabagong firefighting equipment ang mga bumbero sa mga kanayunan.

Idinagdag pa nito ang pagkakaroon ng safety equipment ng mga bumbero lalo’t delikado ang buhay nila kapag sumusuong sa mga insidente ng sunog.

Sa 143 LGUs sa Eastern Visayas anya 26 dito ang walang fire trucks at wala ring fire stations.

Sinabi nito na Maraming mga lugar sa bansa ang gumagamit ng luma at kakarag-karag na truck ng bumbero.

Tiniyak naman ni House Majority Leader Martin Romualdez na hahanap ng paraan ang Kamara para mapondohan ang kinakailangang modernisasyon sa BFP.

Pahayag ito ng mambabatas kasunod ng 17 oras na sunog sa isang mall sa Tacloban City gayundin ang kakulangan ng mga kagamitan pamatay-sunog lalo na sa mga malalayong probinsya.

TAGS: Bureau of Fire Protection, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, Tingog Rep. Yedda Marie Romualdez, Bureau of Fire Protection, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, Tingog Rep. Yedda Marie Romualdez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.