Ang UNCRC ay isang tratado na linagdaan ng 196 na bansa na nagsusulong ng karapatan ng bawat bata, gaya ng rights to survival, development, protection and participation.
Ang pahayag ng CWC ay sa gitna nang pagdiriwang ng ika-27 National Children’s Month ngayong darating na Nobyembre, 2019.
Ayon sa CWC, mula nang ratipikahan ng bansa ang CRC marami ng batas ang binalangkas para sa adoption ng mga bagong polisiya, mekanismo at mga programa na magpapaganda sa buhay ng mga bata.
Gayunman sa kabila ng hakbang ng pamahalaan ay aminado ang CWC na marami pa ring suliranin ang kinakaharap ng mga bata at kanilang pamilya.
Sa datos ng CWC noong 2015, 31.4 percent pa rin ng kabataang may edad na 0 hanggang 17 hirap sa buhay, apat na milyon ang walang maayos na tubig at sanitasyon, 260,000 ang walang disenteng pamumuhay, ang infant mortality ay 21 sa sanlibong live birth; 27 naman ang namamatay sa mga may edad na lima pababa; patuloy din ang pagbaha ng immunization coverage at ang mga out of school youth na may edad na lima hanggang 15 ay 2.85-milyon.