Mga kabataang Filipino patuloy na humaharap sa maraming suliranin ayon sa UNCRC

By Ricky Brozas October 29, 2019 - 01:09 PM

Sa selebrasyon ng 2019 National Children’s Month ngayong papasok na buwan ng Nobyembre ipinagmalaki ng Council for the Welfare of Children o CWC na nakasunod ang bansa sa nilagdaang United Nations Convention on the Rights of the Child o UNCRC.

Ang UNCRC ay isang tratado na linagdaan ng 196 na bansa na nagsusulong ng karapatan ng bawat bata, gaya ng rights to survival, development, protection and participation.

Ang pahayag ng CWC ay sa gitna nang pagdiriwang ng ika-27 National Children’s Month ngayong darating na Nobyembre, 2019.

Ayon sa CWC, mula nang ratipikahan ng bansa ang CRC marami ng batas ang binalangkas para sa adoption ng mga bagong polisiya, mekanismo at mga programa na magpapaganda sa buhay ng mga bata.

Gayunman sa kabila ng hakbang ng pamahalaan ay aminado ang CWC na marami pa ring suliranin ang kinakaharap ng mga bata at kanilang pamilya.

Sa datos ng CWC noong 2015, 31.4 percent pa rin ng kabataang may edad na 0 hanggang 17 hirap sa buhay, apat na milyon ang walang maayos na tubig at sanitasyon, 260,000 ang walang disenteng pamumuhay, ang infant mortality ay 21 sa sanlibong live birth; 27 naman ang namamatay sa mga may edad na lima pababa; patuloy din ang pagbaha ng immunization coverage at ang mga out of school youth na may edad na lima hanggang 15 ay 2.85-milyon.

TAGS: 2019 National Children's Month, Council for the Welfare of Children, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, United Nations Convention on the Rights of the Child, 2019 National Children's Month, Council for the Welfare of Children, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, United Nations Convention on the Rights of the Child

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.