2 patay sa M6.6 na lindol sa Mindanao

By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2019 - 01:03 PM

Dalawa ang naitalang nasawi sa 6.6 magnitude na lindol na tumama sa Cotabato.

Ayon sa Davao Del Sur Provincial Diasater Risk Reduction and Management Office, nasawi ang 15 anyos na si Jessie Riel Parba, isang grade 9 student sa Kasuga National High School sa bayan ng Magsaysay.

Ito ay matapos na mabagsakan siya ng mga naglalagan na debris ng paaralan nang tumama ang lindol.

Matinding pinsala ang natamo ng bayan ng Magsaysay dahil sa nasabing lindol.

Maging ang Municipal Hall ng Magsaysay ay nasira at maraming bahagi ang gumuho.

Samantala, kinumpirma naman ng National Diasater Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na isang 66 anyos na lalaki ang nasawi naman sa Koronadal City, South Cotabato.

Nadaganan din ng debris ang naturang biktima.

Patuloy pang inaalam ang bilang ng mga nasugatan sa lindol, pero sa inisyal na ulat ng NDRRMC ay hindi bababa sa 30 ang nasugatan.

TAGS: 6.6 magnitude, Cotabato, earthquake, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, Tulunan, 6.6 magnitude, Cotabato, earthquake, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, Tulunan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.