Operational dry run isinagawa sa Sangley Airport
Sumailalim na sa operational dry run ang Sangley Airport sa Cavite.
Pinangunahan ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsasagawa ng dry run para subukin ang kahandaan ng paliparan na magkaroon na ng flights.
Kasama ni Transportation Secretary Arthur Tugade na nag-inspeksyon si Cavite Governor Jonvic Remulla sa pasilidad ng paliparan partikular sa pre-departure area at sa passenger terminal building.
Galing CCP Complex Manila, ang Sangley Airport ay kayang marating sa pamamagitan ng 20-minute ferry ride.
Bahagi ng dry run ang paglapag sa runway ng Sangley Airport ng cargo freighter nmg Cebu Pacific.
Tiwala ang DOTr na makakatugon sa deadline ni Pangulong Duterte para sa 100 percent na pagkumpleto sa konstruksyon ng paliparan.
Sa ngayon kasi, kumpleto na ang asphalt overlay at clearing sa dulo ng runway, reblocking ng concrete pavement, installation ng dalawang pump kabilang na ang drainage system, konstruksyon ng ramp, at site development, landscaping at streetlight installations, gayundin ang konstruksyon ng access road, installation ng CCTV Surveillance System, counter, weighing conveyor, meteorological equipment setup, at mobilization ng dalawang modernong fire trucks sa airport.
Sinabi ng DOTr na nasa finishing works na ngayon sa ilang bahagi ng paliparan para masabing 100% complete na ang Sangley Airport.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.